Ika'y aking PABORITO
-2net
Ang mga kislap sa iyong mata,
Hindi mapaliwanag ang nadarama.
Sa tuwing ika'y titingin sakin,
Kinikilig aking damdamin.
Ang matamis na kurba sa iyong labi,
Panaginip kita sa bawat gabi.
Ang ngiti mong nakakatunaw,
'Di ko mapigilang ika'y matanaw.
Ang salitang bawat bigkas ng iyong bibig,
Matutunaw na ako, kailangan ko ng tubig!
Bawat kibo namumutawi sa aking isipan,
Ang pag-ibig na ito'y wala nang hangganan.
Ang kumbas ng iyong bawat galaw,
Susunod ang lamig ng hangin, ang ginaw.
Sana habang naglalakad tayo'y magka-akbay,
Magkasama ng panghabang-buhay.
Sa lahat ng tao sa mundo,
Sa aking puso na iyong binuo,
Sa ipinagsigawan mo sa lahat ng tao,
masasabi ko, "Mi amor favorito."

No comments:
Post a Comment